Between his Silence

Chapter 2: Between his Silence (chapter 2, 5 parts)



CHAPTER 2: Seatmate na si De León?! 

Hindi makapaniwala si Andrea nang makita kung sino ang katabi niya sa bagong seat.

Si River De León.

Tahimik lang itong nag-aayos ng gamit.

Pero sa kanya, parang lumalakas ang tibok ng puso niya bawat segundo.

-

Bago pa magsimula ang lesson, nagsalita si Ma'am Perez.

"So basically," sabi niya habang inaayos ang folder niya,

"I will be attending a meeting for the next period.

Since may bago tayong transfer student, I won't be giving you any activity.

So Miss Villareal can get to know all of you."

--

Napatingin si Andrea sa harap.

Get to know them? Oh no.

---

Pag-alis ng teacher, biglang tumalikod si Dhan.

"Bestie, perfect chance 'to.

Kilala mo na kami ng girls…

Time to meet the rest."

---

"Uy," bulong ni Dhan na may ngiti.

"Crush mo?" sabay sulyap kay River.

"Ha? Ano ka ba?!" mabilis na tanggi ni Andrea.

Pero ramdam niyang namumula siya.

"Hmmm, deny pa more," asar ni Dhan.

---

Tahimik lang si River.

Hanggang sa marinig niya ang boses nito.

"Villareal."

Napatigil si Andrea at napatingin sa kanan niya.

"Uh… yes?"

"Transfer ka, 'di ba?" tanong niya, diretso sa mata.

"Ah, oo. From St. Catherine's," sagot niya, trying to sound calm.

Tumango lang siya.

"Hmm."

At bumalik sa pagsusulat.

---

Para kay Andrea, simpleng palitan lang iyon ng tanong at sagot. 

 CHAPTER 2: Seatmate na si De León?! (Part 2)

Free period.

Tahimik ang classroom, karamihan busy sa cellphone o kwentuhan.

Si Andrea, abala sa pag-aayos ng notebook niya… at pilit na iniiwas ang tingin kay River.

---

"Bestie…" bulong ni Dhan, may ngiti na parang may alam.

"Tahimik ka ah.

Pero parang iba ang vibe.

Crush mo talaga seatmate mo noh?"

"Dhan! Hindi nga!" mabilis na sagot ni Andrea.

"Deny ka pa, oh ayan na…"

---

Bago pa makasagot si Andrea, biglang pumasok sa room si Alex Ramirez.

"Uy, transfer student!" masayang bati niya.

Ngumiti siya kay Andrea. "Andrea 'di ba? Welcome to Northgate!"

"Ah… salamat," sagot ni Andrea, medyo nahihiya.

---

Kasunod naman si Jake Manalo, may hawak na bola.

"Kung kailangan mo ng tulong sa PE, sabihin mo lang ha," sabi nito habang tumango.

---

At huli si Ralp Dominguez, bitbit ang makapal na libro.

Tahimik niyang iniabot sa kanya ang photocopy ng notes.

"Baka makatulong sa'yo," sabi niya simple lang.

---

Pagkaalis ng tatlo, halos mapangiti si Dhan nang malaki.

"Girl…" bulong niya.

"Tatlo na nga, tapos si River pa seatmate mo?

Ano 'to, love story?"

Namula si Andrea.

📖 CHAPTER 2: Libre Kung Aaminin(part3)

Pagkatapos ng free period, halos wala pa ring ginagawa ang klase.

Si Dhan, busy sa pang-aasar.

---

"Aminin mo na, bestie," bulong niya kay Andrea na parang detective.

"Ano na naman?" tanong ni Andrea, trying to look busy.

---

"Aminin mo crush mo si River.

Ni-libre kita sa canteen pag sinabi mo," ngiting pilya ni Dhan.

---

"Dhan!" bulong ni Andrea, namumula.

"Wala nga akong crush sa kanya.

Seatmate lang 'yun."

---

"Hmmm, seatmate lang daw," sabay tingin ni Dhan kay River na tahimik lang pero minsan napapatingin sa kanila.

---

"Bestie, sure ka bang hindi?

Kasi ang tingin ni Mr. De León dito parang… alam mo na…"

---

Namula lalo si Andrea at tinakpan ang mukha niya.

Bakit ba ako kinakabahan lalo kapag inaasar ako ni Dhan?

 CHAPTER 2: Recess at ang Apat na Handsome Boys(part 4)

Lumipas ang ilang Oras tumunog ang bell

Recess time.

Maingay sa canteen, punong-puno ng tawanan at sigawan.

Si Andrea at si Dhan nakapila para bumili ng food.

---

"Bestie, ang daming tao ngayon ah," sabi ni Andrea habang nakatingin sa crowd.

"Syempre!" sagot ni Dhan na nakangisi.

"Hintayin mo lang…"

---

Biglang may malakas na sigawan mula sa kabilang table.

"Dumating na daw!" sigaw ng isang girl.

---

"Sino?" tanong ni Andrea.

"Apat na handsome boys ng Northgate!" sagot ni Dhan na parang sanay na sa eksenang ito.

---

Papasok sa canteen sina River De León, Alex Ramirez, Jake Manalo, at Ralp Dominguez.

Para silang slow motion sa paningin ng karamihan — bawat isa may sariling charm.

---

Si Alex, naka-smile at kumakaway sa kakilala.

Si Jake, hawak pa rin ang bola at tumatawa kasama ang teammate.

Si Ralp, seryoso pero may dalang libro.

At si River… tahimik lang, pero malakas ang presence.

---

"Girl…" bulong ni Dhan habang tinatapik si Andrea.

"Nandito na lahat ng admirers mo.

Paano 'yan, face-to-face ka na sa fanclub mo.

Namula si Andrea, nag-aayos ng tray niya para lang hindi makatingin sa direksyon nila.

CHAPTER 2: Recess at ang Apat na Handsome Boys (part 5)

Nakaupo si Andrea at Dhan sa gilid ng canteen.

Abala siya sa pagkain, pilit na hindi pinapansin ang sigawan sa paligid.

---

"Bestie…" bulong ni Dhan na parang may inaabangan.

"Ano?" tanong ni Andrea, hindi tumitingin.

"Pssst… huwag kang mabibigla ha."

---

Hindi pa tapos si Dhan nang maramdaman nilang may huminto sa harap ng table nila.

Pag-angat ng tingin ni Andrea, bumungad ang apat na lalaki.

---

Nauna si Alex Ramirez, dala ang tray niya.

"Pwede dito kami?" tanong nito, nakatingin kay Andrea.

Parang saglit siyang natigilan.

"Ah… oo naman."

Umupo si Alex sa tabi niya—mas malapit kaysa sa inaasahan niya.

---

Kasunod si Jake Manalo, bitbit pa rin ang bola.

"May tryouts mamaya… dapat andun ka.

Mas masaya pag may audience na special," sabi nito, bahagyang nakatingin sa kanya nang matagal.

---

Tahimik na umupo si Ralp Dominguez sa tapat niya.

Tahimik din ang pag-abot nito ng maliit na papel.

"Schedule ng quizzes.

Baka makatulong sa'yo," sabi nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

---

Huling umupo si River De León sa tabi ng tray ni Andrea.

Tahimik lang.

Pero nung mapansin niya ang untouched food ni Andrea, nagsalita ito.

"Hindi ka pa kumakain."

Ramdam ni Andrea ang malamig pero steady na tingin nito sa kanya.

---

Napatingin si Andrea kay River.

Nagtagpo ang mga mata nila—at parang tumigil ang paligid.

---

At bago pa siya makapag-react…

"Andrea."

Boses iyon ni River.

Diretso, mababa, at parang may ibig sabihin.

---

"Ha?" tanong ni Andrea, kabado.

Bubuka na sana ang bibig ni River para magsalita…

---

"RIVER!!!"

Isang malakas na sigaw mula sa kabilang dulo ng canteen.

Napasulyap lahat.

May tumatawag sa kanya—isang kaklase nilang lalaki, may bitbit na papel na kailangan ng signature niya.

---

Napatigil si River, tumingin ulit kay Andrea… pero tumayo siya para puntahan ang kaklase.

---

Si Andrea, naiwan sa mesa.

Hindi alam kung anong sasabihin.

At si Dhan?

Ngiting-ngiti.

"Bestie… bitin ka no?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.