Between his Silence

Chapter 4: Between his Silence chapter 4



CHAPTER 4: The Note (Part 1)

Andrea, dahan-dahan binuksan ang maliit na papel.

Nakasulat doon ang ilang simpleng salita…

"Sa dismissal, hintayin kita sa soccer field ."

Napasinghap si Andrea.

Sa soccer field Bakit doon pa?

Si Dhan, napansin na hawak-hawak niya ang papel.

"Bestieeee…" sing-song tone ni Dhan.

"Ano 'yan? Love letter?"

Andrea, mabilis na tinupi ulit ang papel.

"Wala… wala 'to!"

Pero buong klase, hindi siya mapakali.

CHAPTER 4: The Note (Part 2 )

Pagkatapos ng huling klase, naglabasan na ang mga estudyante.

Si Andrea, kunwari chill lang, pero sa loob-loob niya…

Pupunta ba talaga ako?

"Bestie, sabay tayo pauwi!" sigaw ni Dhan, pero nakangisi.

Andrea, nagkibit-balikat.

"Mauna ka na… may kukunin pa ako."

Si Dhan, mas lalo lang ngumisi.

"Ay ayun na nga… sige na, good luck."

Tahimik na naglakad si Andrea papunta sa soccer field .

Pagdating niya, medyo madilim na at tahimik.

At doon…

Nakatayo si River De León, nakasandal sa pader, hawak ang bag niya.

Paglapit niya, tumingin ito sa kanya.

River: "Akala ko hindi ka darating."

Andrea, pilit na kalmado.

"Ano ba 'to… bakit mo ako pinapunta dito?"

River, walang sinabi.

Kundi inabot lang ang isang maliit na bagay—parang keychain—at inilagay sa kamay ni Andrea.

Andrea, nagulat.

"Ano 'to—"

Pero bago pa siya makapagtanong, nadulas ang keychain sa kamay niya at nahulog.

Napansin niyang may initials na R.D. + A.V.

Andrea, nanlaki ang mata.

…R.D. at A.V.?

Andrea (isip): Ito ba… para sa amin?

River, nakatingin lang sa kanya, walang pinapaliwanag.

Andrea, lalong na-confuse.

 CHAPTER 4: Overthinking (Part 3)

Pag-uwi ni Andrea, hawak-hawak pa rin niya yung maliit na keychain na binigay ni River.

Umupo siya sa kama, tinititigan ito.

Sa liit ng keychain, kita niya yung nakaukit na initials:

R.D. + A.V

Andrea (isip): *R.D… River De León.

A.V… Andrea Villareal.

Hala.

Bakit kasama yung initials ko?*

Napabagsak siya sa unan, tinatakpan ang mukha.

"Hindi naman siguro… baka initials lang ng kung sino," bulong niya sa sarili.

Pero ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya.

Andrea (isip): Pero bakit pa niya ibibigay sa'kin?

Napatayo siya, naglakad pabalik-balik sa kwarto.

Tapos bumalik sa kama, tinignan ulit ang keychain.

Baka coincidence lang. Pero… bakit parang hindi?

Hindi siya mapakali buong gabi.

CHAPTER 4–(part 4 Chikahan With Girls)

Kinabukasan sa classroom, maaga pumasok si Andrea.

Pero halatang wala siya sa mood — hawak-hawak pa rin niya yung keychain sa bulsa.

Pumasok si Dhan, agad napansin ang tahimik niyang aura.

Dhan: "Bestie, bakit ang tahimik mo? May nangyari ba kahapon?"

Andrea: "Wala…" mabilis niyang sagot, pero halatang iniwasan ang tingin ni Dhan.

Dumating sina Aisha at Khea, pareho ring nakatingin sa kanya.

Aisha: "Uy… suspicious 'to. Spill!"

Andrea, napahinga nang malalim.

Andrea: "Okay fine… may binigay si River kahapon."

Sabay sabog ng kilig ng tatlo.

Girls: "AYIEEEEE!"

Alexandra: "Ano 'yon? Flowers? Chocolate?"

Andrea, umiling.

Andrea: "Keychain… pero may nakaukit na initials."

Khea: "Initials? Sino?"

Andrea, dahan-dahang nagsalita.

Andrea: "R.D. + A.V."

Sabay halakhak at kilig ang buong grupo.

Aisha: "Bagay nga talaga kayong dalawa!"

Andrea, napayuko, sobrang namumula.

CHAPTER 4: Unexpected Entrance

(Part 5 – Teacher, Lunch, and Teasing Until Dismissal)

Pagkapasok ni River, parang may tension sa hangin… pero agad din itong naputol nang pumasok ang adviser.

Teacher: "Okay class, settle down. Let's start the lesson."

Andrea, tahimik lang sa seat niya, pero ramdam niya ang mga tingin ng girls sa paligid.

Lumipas ang klase… at lunch break na.

Paglabas ng teacher, halos sabay-sabay na lumapit sina Dhan, Aisha, Khea, at Alexandra kay Andrea.

Dhan: "Bestie… ayieee, nakita mo yung ngiti ni River kanina?"

Aisha: "Bagay talaga kayo… bagay na bagay!"

Khea: "Uy, baka sa uwian may Part 2 ng keychain moment."

Andrea: "Guys, please…" sabay takip ng mukha.

Pero buong lunch break, hindi siya tinantanan ng apat.

Hanggang sa uwian…

Alexandra: "Bestie, baka mamaya sa gate may surprise na naman si River."

Dhan: "Oo nga! At kung meron… screenshot mo sa utak mo lahat ng mangyayari, ah!"

Andrea, sobrang namumula na.

Bakit parang sila pa yata mas kinikilig kaysa sa'kin?

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.